"huwag mo akong sandalan...
HINDI ako sandalan.."
though nakakatawa, totoo to sa mga tao na palagi na
lang sila ang inaasahan. oh db? totoo namang nkakapagod
maging superwoman para sa lahat.
hindi ka rin naman institusyon na lahat ng pangangailangan
ay dapat mong maiprovide for them, right?
next thing, they should be the ones to provide for themselves..
my mga sarili tayong buhay, hindi natin dapat iaasa sa iba
kung ano ang mangyayari sa buhay natin. who knows,
maybe there are much better opportunites kang makita kapag
ikaw ang kumilos para sa buhay mo db? huwag kang maging
contented sa mga ginagawa ng iba para sa buhay mo dahil
tiyak na mas fulfilling ang pakiramdam kung gaganda ang buhay
mo at alam mo na iyon ang bunga ng iyong mga pagsisikap..
ok tama na ang drama.., ---> iyan naman ay quote ko lang na
nagawa kanina sa jeep, while I'm on my way to school.
siksikan na nga sa jeep tapos iyong katabi kong babae na mejo
nsa late40s na or early50s, naku naka upong mayaman pa. tsk tsk.
ok lang naman sakin iyon, ang masaklap lang ay sa akin
pa siya naka SANDAL.
ODK,, lahat talaga ng bigat niya na sa akin. take note, hindi pa
natutulog ang lagay na iyon ah, pero ramdam ko tlga ang bigat
ng katawan niya. tapos, kapag kumikilos pa ako ng konti para
medyo gumaan naman ang load na nakadagan sa akin,
at dahil ngrereview ako, syempre I'll turn the pages of my reviewer,,
aba, ang sama pa ng tingin ng LOLA mo..
hndi ko lng masabi...
---> "mam ipit na ipit na po ako..
please lng huwag nyo po akong sandalan,,,
hindi po ako sandalan."