Saturday, August 29, 2009
Saturday, August 22, 2009
ahaai, super ntawa tlga ako s video n to.. pinapanood to ni kaye samin..haha
Saturday, August 15, 2009
tags: akin, officially yours
from:(The Philippine Star) Updated August 09, 2009 12:00 AM Wala na sa piling ng mga Pilipino, Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko, At lumisan na rin noong isang Sabado, Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko. Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo, May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago, Sa lahat nang inabot kong mga namuno, Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo. Marami ang nalungkot sa iyong pagyao, Magalang ang lahat at puno ng respeto, Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo, Dahil kanilang himpilan naibalik mo. * * * Subalit ano itong nabalitaan ko? Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto, Habang inililipat ang mga labi mo, Ika’y parang nabastos sa isang TV show. At ang napakasaklap at masakit dito, Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo, Napanood ito ng tao at publiko, Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo. Sabi ng TV host na mainit ang ulo Pagkakita sa video na kanyang kasalo, “Sandali, meron akong ano… sa’ting ano… Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano! Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit, “ Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…” At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip, Ang parada ng patay ang pinaliligpit! At dagdag pa daw ng naghahari-harian, “I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…” Nasaan naman ang paggalang, o nasaan? Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan. At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw, Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw, Mga nakarinig ‘di na nakagalaw At ayon sa iba sila na la’y napa-wow! “… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno, Totoo nga at totoo ring walang modo, Pwede namang sabihin itong pa-sikreto, Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo. “Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa, Para bang ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba, Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya, Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya. May mga komentong pwede nang pang-harapan, “On camera” baga sa TV ang tawag d’yan At kung sensitibo man ang gustong bitawan, Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang. Matutong magbaba muna ng mikropono At saka idikta lahat ng iyong gusto, Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo, Ratings lang ang mababa — totoo ba ito? The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo, Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo, Pero sigurado ika’y maa-abswelto, ‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo? Nung Hueves nag-apologize sa diario naman, O, akala ko ba wala kang kasalanan, Tapos ng angalan, sunod paliwanagan — COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman! O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang, Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman, O ito ay maliwanag na kabobohan? Sa tingin ng marami, mahirap lusutan. Ang sabi ng iba — istupidong mayabang, At giit ng iba — istupidong mayaman, Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan, Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan. Buti pa ang apat na honor guards ni Cory — Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente, Walong oras tumayo sa ulan at viaje, Ang lahat ay tiniis at walang sinabi. Samantalang ikaw na may bubong sa ulo, Komportable ka lang sa malamig na studio, Nang kapirasong libing sa TV sumalo, Angal at inis ang sumambulat sa iyo. Maaari din namang pabayaan na s’ya, Subalit ang nangyari’y mabigat talaga, Namayapang pangulo’y huling paalam na, ‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka! At nais ko lang sabihin at ipagyabang Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian, Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan, Kahit isa wala kaming nilapastangan. *-joey de leon-*
Monday, August 10, 2009
Friday, August 7, 2009
"Di ba sa lahat naman ng contest my nanalo at natatalo" - fhei peralta
Iyan nman tlga ang dapat nating isipin kapag smasali tayo sa contest or sa khit anong laro, am i right?
Win or lose, we should be ready for the reality that may come. It is the fact that not all the time, everything will fall out right or everything will be in favor of us. We must accept the truth that life is filled with challenges and each was assigned to teach us lessons. If we win, we should keep our feet on the ground and be humble enough to thank God for His blessing.
If we lose, we should always remember that tomorrow is another day and we should keep on trying until the right time would be given to us to succeed. It is the time when we had already learned our lesson. Yes life is really unfair yet God is always fair. That should be quoted!
Ako, I don’t know if I am just being negative but I just got used of being a loser. The good thing is, though its not ok or feel good to be always a loser, I only face it with a great smile and say “Ok lang yan.” It’s not being plastic; I am just keeping my self brave. And despite the fact that I knew I am always a loser, I still have the courage to face everyone or to join any contest or game. Though I am still a loser at the end, what is fulfilling is that I gave my all and did my very best to prove my worth. I always knew that out there, there is someone who’s better than me. Kapag nananalo ako, iyang thought pa rin na iyan ang iniisip ko. I just hope ganyan din iniisip ng lahat. Para naman walang taong lumalaking arogante or lumalaki ang ulo..
At the time that you are a loser, there is always a winner. And at the time that you are a winner, there is a loser.
Hai eto na lang,,
it's like playing Big Two(pusoy dos for the Filipinos), it is not on the kind of cards you have in your hands for you to win, but it is on the strategy and attitude of the player. :))