Thursday, October 8, 2009
wheh,, i just got home from an overnight work of our thesis..
Tuesday, September 29, 2009
just believe me,, im not crying :'(
tags: cry
Monday, September 28, 2009
wheh,,
as usual late blog nanaman..
we had our field trip last september 25.2009 at baguio city..
WHAT??? baguio nanaman?
well that's my reaction upon knowing from my prof that our field trip would be on baguio.. i've been there a count of times na kasi that's why i was not so interested with the said field trip.. unfortunately, i was or we were forced to join the trip for or prof in number theory obliged us.. "Well im not asking you to join, i am requiring you!"--that's our prof's line when she introduced the trip..
haisst, do we have our choice?? syempre WALA!!!
now the field trip day had come..
september 25,2009 12:00am exactly was the call time at school..
maybe 1145 nandun na kami,, searching for bus number 2.
then at 1230,, we're inside the bus na..
BSM4C ang bus mate namin.. mejo nagkaproblema pa coz some of our classmates didn't want to be at the middle seat and ang pangit nmn pra s section ng 4c n mgkahiwa-hiwalay sila and most of the will be sitting at the middle eh hndi rin nmn cla ganun ka close samin..
in the end, npaki usapan nmn namin ang iba naming classmate and of course kmi rin eh nag adjust din..
now, sitting arrangement was fixed..
all was waiting now is for our bus captain kua bob to start the engine of the bus and start driving..
but no,, hindi pa pla iun ang hinihintay.. eh ANO??
our guardian in the bus.. the one who will supervised us..
eh sino ba yun? (sana si sir albania nalang..haha)
after a few minutes, nalaman namin na si dean Tan pla ang aming makakapiling..
shocks...!!!
tik tak tik tak..
at exactly 3am,, finally umalis narin ang bus namin d2 sa bulacan.. well i think bus namin ang last na umalis dahil kailangan pang i check ni dean ung iba pang bus..haaist
aun,, tulog lang ginawa ko sa byahe.. na badtrip pa nga ako nung gabi dahil hindi kami na loadan ni daryl dahil gabi n kea we need to wait fr morning to come.. another thing is, i left my purse at my house.. well hndi lang xa basta prse kasi pati mga bills ko nandun din..wala tuloy ako pera..huhu
at around 930am of sept.25,, nasa baguio na kami.. first stop was at PMA a.k.a fort del pilar..
i was excited to go there kasi last time n napunta ako dun eh 7y/o palang ako..
i just wanted to see the difference..hmmp
then nakalimutan ko na kung ano ung next spot eh..
ngayon naalala ko lang eh ung time na nagpunta kami sa lourdes..haha
hindi na kami bumaba dahil pagod n kami maglakad and besides,,naakyot ko narin nmn ung 252 steps ng lourdes grotto naun,, wheh!
ang main event sa pagpunta namin sa lourdes na yun eh nang mahuli ang bus captain namin at kinuha ang license nya.. haha
bawal pla kasi bumaling,,tsk tsk
buti nalang hindi n kami bumaba kasi kng nagkataon,, isa kami s maiiwan ng bus..
ung ibang classmate namin na bumaba at umakyat sa grotto, aun, naiwan at nag taxi nalang papuntang burnham..
naalala ko tuloy nung hinuli rin si tatay sa burnham dahil sa smoke belching..haha
weel bago pla ung event na yan.. sa mines view muna.. kung saan dun kami bumili ng mga souvenirs.. aww,, tawad to the max kami..haha
dahil sa super tawad kami,, muntik na kami maiwan ng bus..haha
the ugly truth is,hindi man lang kami na pansin ng mga classmates namin n wala pa kmi don..kamusta nmn,isang line kaya ung wala,, tapos hindi mapapansin?
well, at the end of the day.. enjoy naman somehow.. picture to the max ang buong section namin..haha
sabi nga nga aming aming bus coach na si kua eggie "pictre taking,, para my remembering.. ay, wrong gramming..haha"














dmating kami ng skul mga 1245am of september26,2009.
tags: baguio, field trip
Tuesday, September 1, 2009
SYNOPSIS:
Binigyang pansin sa dokyumentaryong ito ang kalagayan at paraan ng pamumuhay ng ilan sa mga naghihirap nating mga kababayan. Una, si Angela, 19 na taong gulang na mula sa Bicol. Siya ay nanghihina at napakapayat, ngunit nagagawa pa rin niyang mabuhay hanggang sa abot ng kanyang makakaya sa kabila ng malubha niyang sitwasyon. Bumabangon lamang siya ng tatlong beses sa isang araw at may tatlong buwan na rin siyang nagdurusa sa ganoon kalubhang kalagayan. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit kung ilalarawan ang itsura ni Angela, siya ay literal na masasabing “buto’t balat”. At dahil sa kanyang kalagayang ito, wala na siyang lakas para maglakad o tumayo man lamang. Si Angela ay nagdurusa sa pagkakaroon ng pneumonia at ilang sakit sa baga, mga komplikasyon na dulot na rin ng pagkakaroon niya ng malalang kondisyon ng malnutrisyon. Si Angela ay laging nagdarasal kay Mama Mary sapagkat umaasa at naniniwala siyang tanging si Mama Mary lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Ngunit ang solusyon sa kanyang kalagayan ay ang pagkakaroon ng tama at sapat na pagkain at hindi si Mama Mary (pero syempre, sa tulong na rin ng kanyang pagdarasal). Subalit sa kasamaang palad, si Angela ay pumanaw ilang linggo lamang matapos siyang makapanayam ni Kara David para sa dokyumentaryong ito.
Sumunod naman ay si Ginoong Ciriaco Hansol, isang kargador sa pier. Parte ng kanyang trabaho ang pagbubuhat ng balde-baldeng isda. Araw-araw dumadaan sa kamay ni Mang Ciriaco ang iba’t ibang uri ng masasarap na lamang dagat, ngunit ni minsan, hindi niya ito natikman. Ang kinikita niya kada balde ay labinlimang piso lamang. Buenas na sa kanya ang magkaron ng pitumpong piso, karaniwan kasi 30 lang ang hawak nyang barya. Araw-araw para daw siyang tinutukso ng mga alimango. Naiinggit man daw siyang kumain, kaya lang wala naman siyang magagawa. Tanong pa nga ng anak niya, “Bakit Papa, ganito ang ulam natin? Wala na bang iba?” Sa pito nilang anak, at sa
Ang ikatlo, at huling tinalakay ng dokumentaryong ito ay si Julie Ann, tatlong taong gulang. Hindi siya nakakapaglakad dulot ng
Ipinakikita lamang ni Kara David sa dokumentaryong ito ang
-by kaye&paie
HOOK:
Sa una, inisip namin na ang gagawin naming panunuod ng isang dokyumentaryo ay isang simpleng “wala lang”. Gagawin lamang namin ito upang makagawa lamang nang proyekto sa aming asignaturang Current Issues. Hindi namin inakala o inisip na ang aming panunoorin ay makakapukaw at makakaantig ng lubusan sa aming mga damdamin. Bawat istoryang itinampok sa Buto’t Balat ay pawang nakakaantig at nakakapagmulat sa katotohanang hindi hamak na pinagpala kami kaysa sa kanila.
Isang pangyayari na lubhang nakapukaw sa aming damdamin ay nang ipakita ang kalagayan ni Angela. Hindi na siya halos makatayo sa kaniyang kinahihigaan sanhi ng kanyang karamdaman at ng malnutrisyon na kaniyang nararanasan. Napapalunok na lamang kami ng laway dahil wala kaming masabi sa aming napapanuod; labis na kasalatan sa buhay ang kanilang nararanasan. Dagdag pa nang sinabi ni Kara David na ang dalawa sa mga kapatid ni Angela ay nauna nang namatay. At sa kasamaang palad, makalipas lamang ang ilang linggo ay pumanaw na rin si Angela.
Isa pang pangyayaring nakaagaw ng aming atensyon ay ang kalagayan ng pamilya ni Ginoong Hansol. Hindi niya kayang tustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na sa pagkain. Ngunit ang mahirap tanggapin bilang manonood ay alam ni G. Hansol kung gaano kasakit makitang ang mga anak niya ay nakakaranas ng malnutrisyon, ngunit naatim pa rin niyang magdalang tao muli ang kaniyang asawa. Ibig sabihin ay madadagdagan pa ng isa ang 9 na sikmura na dapat
Mahirap tanggapin, mahirap paniwalaan, ngunit ito ang katotohanan. Ganito kasaklap ang buhay na nararanasan nang marami sa ating mga kababayan. Salamat na lamang sa mga dokyumentaryong tulad ng Buto’t Balat na nagiging daan upang mamulat ang mga bulag o di kaya ay nagbubulag-bulagan lamang sa katotohanang may higit na nagangailangan ng ginhawang kanilang tinatamasa at minsan pa’y kanilang pinagpapawalang bahala.
-by paie
MEAT
Sa mundong puno ng kasawian, ang katatagan ang magiging batayan. At hanggat mayroon tayong pag-asang pinanghahawakan sa ating mga sarili upang suongin ang ating mga pagsubok, patuloy na iikot ang gulong ng gating buhay. Tayo ay nananatili at nakakaraos sa mundong ito dahil na rin sa ating mga ginagawa at mga desisyon.
Mahalaga sa panahon natin ngayon ang mga panooring tulad ng Buto’t Balat ni Kara David. Dahil sa pamamagitan nito, mailalahad ang mga simpleng problemang nararansan nang marami sa ating mga kababayan. Simple man kung ituring ngunit napakalaki naman ng epekto sa bansa natin na kailangan ng mabilisang aksyon.
Sa dokyumentaryong Buto’t Balat, iminumulat tayo sa kalagayang ng mga Pilipinong kahit 24/7 na silang kumakayod para sa kanilang pamilya, hindi parin nila matugunan ang mga pangunahing pangangailangan nito na nagdudulot ng iba’t ibang problema. Ang paglobo ng populasyon at malnutrisyon ang ilan sa mga problemang ito. Ipinapakita rito ang mga Pilipinong nakakaranas ng malnutrisyon at kung papaanong ipinagsasawalang bahala ng iba, lalu na nang gobyerno ang grabeng sitwasyon na dinaranas ng ating bansa ngayon. Karamihan sa atin, alam na maraming mahihirap sa ating bansa at sa pamamagitan ng palabas na ito, mauunawaan natin na hindi lamang simpleng kahirapan at malnutrisyon ang nararanasan ng marami sa atin kundi “severe” o malala na ang kondisyong nararanasanng ito na nauuwi sa pagkamatay nang ilan. At ayon sa mga pag-aaral, tayo ay pumapangalawa sa
Ngunit ang malaking katanungan ay “Bakit bulag ang mga Pilipino?” Bakit pilit na iginigiit ng ating gobyerno na hindi naman mahirap ang Pilipinas? Bulag ba sila upang hindi makita ang kahirapang nararanasan ng ating mga kababayan o sadyang sobrang taas lamang ng mga impastrakturang pinamumuhunanan nila ng malaki upang matakpan ang mga nangangailangan ng higit? Hanggang kailan aasa ang mga kababayan nating salat sa kahirapan sa mga programang iginuguhit ng ating gobyerno para sa kanila gayong tila sa tubig lamang ito iginuguhit? Kailan sila mamumulat na hindi namamana ang kahirapan kundi ang kasalatan sa prinsipyo’t motibasyon. Nagtatrabaho tayong mabuti upang mapagsikapang magkaroon ng masagana at magandang buhay. Ngunit sa kabila ng ating mga pagsisikap hindi natin maitatanggi na tunay na hindi patas ang buhay, “life is unfair” ika nga. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang sumuko. Walang ibang magmamahal sa atin liban sa ating mga sarili kaya nararapat lamang na hindi tayo umasa sa gagawin ng iba pra sa atin, bagkus ay magsumikap tayo na makamit ang ating mga mithiin. Hindi naman tayo maghihirap kung hindi natin hahayang tayo ay maghirap. Sabi nga nila “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
At sa huli, para sa mga manonood, sa panahon natin ngayon na uso ang mga luho sa katawan, hanggang kailan tayo patuloy na magbubulag-bulagan gayong alam natin ang katotohanang milyon-milyong Pilipino ang namamatay dahil sa kagutuman.
“NUTRITION is the act or process of being nourished.” Ibig sabihin nito, ang nutrisyon ay tumutukoy sa kahit anong bagay na may pagunlad. At kung patuloy na lalala ang malnutrisyong nararanasan ng marami sa atin, mahirap man isipin at masakit mang tanggapin, ang ating bansang Pilipinas ay malnourished din.
-by paie
CLINCHER:
Lungkot. Pag-aalala. Pagkabagabag. Ito ang ilan sa mga emosyong nangibabaw at ipinarating sa dokumentaryong ito. Ipinakikita nito ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan na tila ba hindi makawala mula sa pagkakagapos nila sa kahirapan. Inilahad sa dokumentaryong ito ang ilan sa pang-araw-araw na pangyayari sa
Ang pamilya Hansol, sa Bicol, malaki ang pagpapahalaga sa bawat butil ng
Samantala, ang sanggol naman na si Julie Ann ng pamilya Villas, na ni minsan ay hindi pa nakatikim man lang ng gatas at sa halip ay laging kape lamang. Ang ina ni Julie Ann ay napapaluha na lamang sa tuwing nakikita niyang nahihirapan at nagugutom ang kanyang walong anak, dagdag pa ang isang sanggol sa kanyang sinapupunan na malapit na ring isilang. Tulad rin ng pamilya Hansol, wala silang ibang magawa kundi ang yakapin ang dulot ng kahirapang ayon sa
Si Angela, na ilang buwan nang nakaratay sa higaan dahil hindi na niya magawang maglakad o tumayo man lang. Sa kabila ng malubhang kalagayang ito ni Angela, patuloy pa rin siyang nagdarasal at naniniwalang ang Inang Maria lamang ang makakapagpagaling sa kanyang karamdaman.
Sina Angela, Jeremy at Julie Ann, lahat sila ay kapwa binawian ng buhay matapos maitampok sa dokumentaryong ito ang nakalulungkot nilang sitwasyon at katayuan sa buhay. Silang tatlo ang nagsisilbing salamin o imahe ng mga taong-by yeye
IMPLICATION:
“Nakalulungkot isipin na sa isang bansang uso ang south beach diet, mga pills na pampapayat at kung anu-ano pang bagay na makakapagpaganda ng katawan.
Ipinapakita sa dokumentaryong ang bunga ng hindi pagkakapantay-pantay ng distribusyon ng trabaho at yaman dito sa ating bansa. Dahil sa kakulangan sa sapat na trabaho para sa mga mamamayan, dulot nito ang kahirapan. At dahil sa kahirapang ito, nagkakaroon ng kakulangan sa pagkain lalung lalo na sa mga bitamina at sustansyang kailangan ng katawan ng bawat tao, na maaari namang mauwi sa malnutrisyon at ilan pang komplikasyon na kadalasan ay nagiging sanhi ng kamatayan dahil sa hindi ito nabibigyan ng tamang medikasyon. Nakalulungkot mang aminin, ngunit tila ba tunay ngang ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap. At ang resulta, ang nakakaalarma at malubhang kalagayan ng malnutrisyon sa ating bansa. Sa buong Pilipinas, tatlo sa bawat sampung Pilipino ang nagugutom at mahigit sa
Ang dokumentaryong ito ay inilahad upang gisingin ang bawat isa sa atin upang makita ang mga tunay na nangyayari sa ating bansa. At upang bigyan na rin tayo ng babala sa patuloy pang lumulubhang sitwasyong ito.
Ngunit, kung ating iisiping mabuti kung bakit nga ba nangyayari ang ganitong
-by yeye
note:some ideas are excerpts form net =))
tags: Buto’t Balat, I-Witness, malnutrition, poverty
Saturday, August 29, 2009
Saturday, August 22, 2009
ahaai, super ntawa tlga ako s video n to.. pinapanood to ni kaye samin..haha
Saturday, August 15, 2009
tags: akin, officially yours
from:(The Philippine Star) Updated August 09, 2009 12:00 AM Wala na sa piling ng mga Pilipino, Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko, At lumisan na rin noong isang Sabado, Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko. Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo, May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago, Sa lahat nang inabot kong mga namuno, Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo. Marami ang nalungkot sa iyong pagyao, Magalang ang lahat at puno ng respeto, Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo, Dahil kanilang himpilan naibalik mo. * * * Subalit ano itong nabalitaan ko? Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto, Habang inililipat ang mga labi mo, Ika’y parang nabastos sa isang TV show. At ang napakasaklap at masakit dito, Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo, Napanood ito ng tao at publiko, Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo. Sabi ng TV host na mainit ang ulo Pagkakita sa video na kanyang kasalo, “Sandali, meron akong ano… sa’ting ano… Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano! Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit, “ Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…” At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip, Ang parada ng patay ang pinaliligpit! At dagdag pa daw ng naghahari-harian, “I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…” Nasaan naman ang paggalang, o nasaan? Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan. At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw, Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw, Mga nakarinig ‘di na nakagalaw At ayon sa iba sila na la’y napa-wow! “… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno, Totoo nga at totoo ring walang modo, Pwede namang sabihin itong pa-sikreto, Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo. “Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa, Para bang ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba, Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya, Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya. May mga komentong pwede nang pang-harapan, “On camera” baga sa TV ang tawag d’yan At kung sensitibo man ang gustong bitawan, Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang. Matutong magbaba muna ng mikropono At saka idikta lahat ng iyong gusto, Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo, Ratings lang ang mababa — totoo ba ito? The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo, Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo, Pero sigurado ika’y maa-abswelto, ‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo? Nung Hueves nag-apologize sa diario naman, O, akala ko ba wala kang kasalanan, Tapos ng angalan, sunod paliwanagan — COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman! O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang, Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman, O ito ay maliwanag na kabobohan? Sa tingin ng marami, mahirap lusutan. Ang sabi ng iba — istupidong mayabang, At giit ng iba — istupidong mayaman, Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan, Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan. Buti pa ang apat na honor guards ni Cory — Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente, Walong oras tumayo sa ulan at viaje, Ang lahat ay tiniis at walang sinabi. Samantalang ikaw na may bubong sa ulo, Komportable ka lang sa malamig na studio, Nang kapirasong libing sa TV sumalo, Angal at inis ang sumambulat sa iyo. Maaari din namang pabayaan na s’ya, Subalit ang nangyari’y mabigat talaga, Namayapang pangulo’y huling paalam na, ‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka! At nais ko lang sabihin at ipagyabang Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian, Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan, Kahit isa wala kaming nilapastangan. *-joey de leon-*